GIYERA SA UTANG, KAHIHIRAPAN, PINAGHAHANDAAN NG TAMBALANG LACSON-SOTTO
Lugmok sa utang at epekto ng COVID-19, isang matinding laban ang kakaharapin ng susunod na pangulo ng Pilipinas at kailangan itong paghandaan. ‘Yan ang pahayag ni presidential bet Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa isang panayam sa Radyo Singko.“‘Yung pagbangon mula sa pandemya. Ang tingin namin ni Tito Sen dito, ‘we are at war.’”
Ayon sa senador kakailanganin ang masusing pag-aaral upang matugunan ang mga problema ng bansa, isang bagay na ginagawa na nila ng kanyang running mate, vice presidential candidate Sen. Tito Sotto, bago pa man sila mag-aanounce ng kandidatura.
Ayon kay Lacson, meron na silang grupo ng resource persons mula sa academe, business sector, at maging mga dating cabinet secretaries, upang tulungan silang i-identify ang mga problema at akmang solusyon para sa mga ito.
Pangunahin sa mga suliranin ng bansa ang pagbangon sa ekonomiya at pagbabayad ng utang ng gobyerno. “Kalaban natin ang COVID, kalaban natin ang joblessness, kalaban natin ang kahirapan, kalaban natin ‘yung napakalaking utang,” dagdag ni Senador Lacson.
Sa kasalukuyan ay nasa P11.6 trillion ang foreign debt ng Pilipinas.“Hindi lang ang henerasyon na ito ang pinag-uusapan kundi yung susunod pa apektado. ‘Yung utang natin, ang estimate bago natin mabayaran hanggang 2049.”
Isa sa mga solusyong nakikita ni Lacson ay ang pagbawi ng budget deficit.“‘Wag tayong akyat nang akyat ng budget na hindi naman natin nagagamit.”
Dagdag pa niya, kailangan i-reporma ang budget upang makarating ang sapat na pondo sa local government units.( PR/ via Zorayda Mustaril)
Comments
Post a Comment